Let's Talk About Health: Acute Lymphocytic Leukemia (ALL) | Usapang Pangkalusugan

6 Views
administrator
administrator
08/04/23

ACUTE LYMPHOCYTIC LEUKEMIA (ALL)

Sa kalagayan ni Yzzabel De Vera, siya ay mayroong Acute Lymphocytic Leukemia o A.L.L. Ito ay isang uri ng cancer sa dugo at bone marrow. Ito’y pinakakaraniwang uri ng kanser sa mga bata, at ang mga paggamot dito ay nagreresulta sa isang magandang pagkakataon na gumaling. Ito ay maaari ding mangyari sa mga nasa hustong gulang. Ito’y nangyayari kapag ang isang bone marrow cell ay nagkakaroon ng mga pagbabago (mutation) sa genetic material o DNA nito. Ang Bone Marrow ay gumagawa ng mga immature cells na nagiging leukemic white blood cells na tinatawag na lymphoblasts. Ang mga abnormal na selulang ito ay hindi gumagana nang maayos, at maaari silang makaapekto sa mga malulusog na selula.

Ang mga Senyales o Sintomas ng may Acute Lymphocytic Leukemia, (1) Pagdurugo mula sa gilagid. (2) Sakit sa buto. (3) Lagnat. (4) Frequent Infections. (5) Madalas o Matinding pagdurugo ng ilong. (6) Mga bukol na sanhi ng namamaga na mga lymph node sa leeg, kilikili, tiyan o singit. (7) Maputlang balat. (8) Kapos sa paghinga. (9) Panghihina, pagkapagod o pangkalahatang pagbaba ng enerhiya.

Ang mga salik na maaaring magpapataas ng panganib ng acute lymphocytic leukemia ay kinabibilangan ng:

Nakaraang paggamot sa kanser.
Exposure sa radiation. At ang huli ay ang Genetic Disorder.

Walang tukoy na paraan para iwasan ang ALL. Mayroon namang iba’t ibang paggamot sa ALL. Maaaring chemotherapy, targeted therapy, immunotherapy, surgery for ALL, radiation therapy, at stem cell transplant.

Muli, pinapaalalahanan natin ang ating mga tagasubaybay na magpatingin sa doktor habang hindi pa lumalala ang karamdaman.

#UsapangPangkalusugan

Show more

0 Comments Sort By

No comments found

Facebook Comments

Up next